Sining Bayan is a socio-cultural group established in Silang, Cavite and serving under the Parish of Silang, Cavite last April 6, 2001, which aims to train the youth in the various forms of art and teaching them to use it in service of the marginalized sector of our society.
Sa mga member ng Sining Bayan, kayong lahat ay iniimbitahan na dumalo sa ika-5 Pangkalahatang Asemblea o General Assembly na gaganapin sa April 6, 2008 Sunday.
Ang oras at venue ay i-aanunsyo sa mga susunod na araw. Pero kung kayo ay dadalo, mag-confirm lamang sa pamamagitan ng pag-comment sa post na ito.
O kaya mag-email sa siningbayan [at] gmail [dot] com kasama ang inyong pangalan at contact number.
Pwede rin dumalo ang mga gustong sumali sa Sining Bayan. :D
Ang mga pag-uusapan sa GA ay ang mga gagawing activities ngayong bakasyon.
Sana ay makadalo kayo, magandang pagkakataon para muli tayong magkasama-sama, magsaya at ipakita ang galing ng kabataan ng Silang.
Noong Lunes ay muling nagkasama-sama ang mga ilang myembro ng Sining Bayan upang ipagdiwang ang kaarawan nina Potpot at Tetay.
Nagluto kami ng pancit at pagkatapos kumain ay sinimulan na ang kulitan, tawanan, asaran, tugtugan at kung anu-ano pa.
Tama ang inyong nabasa, kahit na noong araw na iyon ay araw ng eleksyon para sa SK at Barangay, na nangangahulugan ng "alcohol ban" nakapaginuman pa rin ang tropa. hehehe Malupet talaga kami.
Kasama namin sa kasiyahang ito sina Harold, RJ, Agie, Jacob, Kuya Julius, Karen, Martin at shempre ang mga may birthday, sina Tetay at Potpot.
Bagaman kakaunti kami ay masaya naman at nabusog sa pancit. Ang mas astig pa nito, naka-5 bilog ang Sining Bayan, walang sumuka, walang naging makulit, walang sabit. Sa tingin pa nga ay parang bitin pa, hehehe
Pero dahil sa malalim na ang gabi, madaling na nga ata yon, kaya minarapat na naming maghiwa-hiwalay pansamantala. Sa susunod, mas marami, mas malaki, mas makulit at mas masaya ang mga kasiyahan.
Narito ang ilang sandali mula sa kasiyahang ito:
At dahil may gitara, mayroong kantahan:
At dahil may camera-phone, mayroong bidyo. hehehe
Maraming salamat sa mga dumating! :D Sa susunod, mas kumpleto na tayo!
Noong nakaraang June 23-24 ay dumalo ang Sining Bayan sa ikalawang Kongreso ng mga Kabataan sa Bayan ng Silang. Ito ay inorganisa ng Municipal Youth Development Council sa pangunguna ng butihing Alkalde ng Silang na si G. Areng Poblete.
Ito ay ginanap sa Villa Julia Resort kung saan nakasama namin ang iba't-ibang mga lider-kabataan na nagmula sa iba't-ibang paaralan at organisasyong pang kabataan sa Silang. Masaya at makabuluhan ang 2 araw na itinagal ng Kongreso kung saan nagsanay sa pamumuno, pagkakaisa at pagkakapatiran ang mga delegado sa ilalim ng temang:
Kabataang SilangueƱo: May Pinag-isang mithiin aktibong pakikilahok sa pag-unlad ng lipunan.
Ang naging tampok na gawain sa Kongreso ay ang pagkakaroon ng pormal na sesyon o pagpupulong upang makapagpasa ng mga resolusyong makakatulong sa kaunlaran ng kabataan sa Silang.
Ilan sa mga resolusyong naipasa ng Kongreso ay ang pagpapatawag ng isang pagtitipon ng mga manggagagawang kabataan sa Silang upang sila'y magorganisa, ang pagdagdag sa mga pulis na magbabantay sa seguridad ng mga mamamayan, ang pagdaraos ng isang sports festival.
Nawa, sa tulong ni SK President Aidel Belamide, ang mga resolusyong ito ng kabataan ng Silang ay dinggin at bigyang katuparan ng Sangguniang Bayan ng Silang.
Bilang pagtatapos, nagkaroon ng halalan ng bagong Presiding Officer ng MYDC. Sa pagtitiwala at pananalig ng mga ibang organisasyon at delegado, si Julius Rocas ng Sining Bayan ay nahalal bilang bagong Presiding Officer. Ang Sining Bayan ay taos-pusong nagpapasalamat sa pagkakataong ipinagkaloob dito at makakaasa ang mga kasaping organisasyon sa MYDC na gagampanan ng Sining Bayan ng tama ang bagong tungkuling ito.
Isa sa mga malupet na miyembro ng Sining Bayan ay si Karen "Bayugo" Toledo.
Bakit siya naging malupet at astig? Bukod sa kanyang pagiging kalog, palakaibigan, mabait, magaling umarte at mag-inarte atbp. may mga bagay siyang nagagawa na di kayang gawin ng iba pang miyembro ng Sining Bayan.